Paano gumawa ng healthy juice out of malunggay leaves at kalamansi? Magkano lang naman ang ilang tangkay ng malunggay at ilang piraso ng kalamansi kumpara sa isang litro ng softdrinks? Softdrinks na pag nasobrahan ka UTI (Urinary Tract Infection) ang aabutin mo. Subukan mo itong tipid recipe na mura at healthy pa.
Dahil halos lahat ng sangkap ay pwede mong makuha sa iyong bakuran o kaya naman ay mabibili mo sa palengke ng murang halaga, di ka mahihirapang gawin ito. Bukod sa ang sangkap ay halos natural, mas lalakas at makakaiwas pa sa posibleng sakit na makukuha sa mga softdrinks and juice powder. Kung ikaw ay mahilig sa juice, di mo kailangan problemahin pa kung aaraw-arawin mo itong gustong inumin. Sa recipe na ito di ka lang nakatipid, natulungan mo pa ang iyong kalusugan na maging healthy.
Sangkap:
Malunggay Leaves
Calamansi / Lemon Extract
Honey / Asukal
Mint leaves (optional)
Procedure:
Pakuluan ang mga dahon ng Malunggay. Tanggalin sa apoy pag berde na ang kulay ng tubig. Salain at isalin sa isang lalagyan ang tubig. Hayaan lamang itong lumamig. Lagyan ng katas ng kalamansi o lemon ang malunggay juice. Lagyan ng honey o pwede namang asukal para tumamis ang lasa. Per nakadepende pa din sa inyong panlasa kung gusto mo ng matamis o mas maasim. Kung mayroon mint leaves (optional) pwede mo itong lagyan para mas masarap. Pwedeng inumin ng maligamgam o kaya naman ilagay sa refrigerator kung gusto mo ng malamig.
0 Comments